“Goodbye!!! 4 years of glory!”
pagkatapos ng 4 na taon, sulit na sulit namin ang Lightroom. ito yung office ng org namin (D2). andaming nangyari sa loob ng kwarto na to, lahat lahat na! mamimis ko tong kwarto na to.
nung unang panahon, kokonti lang tao dito, laging malamig! may aircon kami e!! oha!! naging creative headquarters namin to, solid! lahat ng makakausap mong tao dito kupal! random magisip! nakakatawa! andami mong matututunan! andaming ideas na lumilipad! aminado ako, mas marami akong natutunan dito kesa sa mga class namin, oo, pramis! kasi dito din gumagawa yung mga members ng mga plates nila, so bato bato n lng ng mga tips at kung ano ano, magugulat ka na lang may natutunan ka na naman. madalas din naming nakakasama dito sina sir rai at sir meneer. idols! halos lahat ng natutunan namin sa school sakanila naggaling, kahit kulang kulang yung mga natuturo sa class, sobra sobra pa yung naituturo nitong dalawa samin.
sobrang gamit na gamit namin tong Lightroom, lalo na nung kasagsagan ng mga projects na binibigay samin ng admin, ay salbahe! lahat ng tao ngarag! tapos susundan ng hellweek!? kill!!!! pero ang pinaka trip ko sa lahat hehe is yung mga movie trips! ay swabe! nagiging cinema yung lightroom! updated lagi yung mga tao e, puro DVD rip pa yung mga movie!! paro hindi ko malilimutan yung mga panahon na sinusubaybayan namin yung how i met your mother! ansarap lang ng tawa namin!
ilang beses na din kaming pinatalsik dito sa lightroom, kadalasang dahilan ng nakakataas ay maingay daw kami, oo maminado kami jan! tapos ginagawa daw na tambayan. aminado pa rin kami! hahahaha! pero nacontrol naman namin lahat, nagmature na ang mga tao, pero pagdating sa tawanan, leche kayong lahat magiingay kami!!
ngayon, eto na nga, kukunin na samin ang lightroom, gagawin atang tambakan ng mga gamit ng MAS. lumalaki na ang department namin e, ayos lang din. move on. problema ngyn, san kami tatambay. hahahaha! pero may magandang sinabi si sir meneer, sabi nya “The doors are closing but the lights will never fade away.Time to get out of the fishbowl kids and grow bigger than ever! Let’s go!” buo pa rin ang D2. wala nga lang titirahan. pero adventure ang maging skwater! apir kids!
Nakakawasak ng puso. Katulad ng marami samin sa org na ito na naging super commited sa pagiging mahusay at walang sawang pagtuklas, Labis akong nag-grow dito, sobrang saya ng mga panahon ko dito, pati yung mga tao sobrang awesome na nakilala ko what can I say? Naalala ko din, nung one time handa na akong sumugod sa nakatataas para lang hindi ito mapasakamay ng iba dahil may karapatan tayo dito, marami tayong nagawa para sa kanila, ito lang namang pribilehiyong ito ang tanging natitira palagi satin, ang bahay natin. Pero ngayon ata talaga eh wala na. Pero kahit ganon eh sobrang thankful ako to be a part of the treasured memories at kasaysayan nitong org na ito dito, at kahit wala na ang pinakamamahal natin lightroom, ang pagiging D2 ay laging nasa puso diba mga kapatid? :) Salamat din sa inyo na nagtiwala sakin bilang punong tagapangasiwa ng isang taon ng lungga natin ahaha! :) ohh shizzz… nothing is permanent nowadays i guess, we will have to move on and grow. :’( pupunta ako sa friday pramis ko yan! T_T
Alam kong kukunin din saamin to para sa ikabubuti ng MAS Department, na-inform naman kami last term pa, pero nakakalungkot lang talaga.
Unang una, ma-mmiss ko yung sobrang dami kong natutunan na teknik sa loob ng lightroom na to. Yung kerning ni kuya kenji sa typography, yung batuhan ng comments, yung makikita ka ni sir meneer na nagdedesign tapos sasabihin agad na “panget” kahit di pa talaga nakikita ng buo chaka yung mga design tips niya. Yung tawanan abot kabilang room (kaya napapagalitan madalas). Chaka yung movies na sa sobrang HD, kita mo na yung butil-butil na effects, yung tipong minsan ayaw mo na pumasok kasi nasimulan mo na yung movie. HAHAHA. Pero kahit ganun pa man, nagagawa pa rin namin yung mga pinapagawa sa taas :)
Mamimiss ko tong tahanan na to, pero kahit mawala to, alam kong di mabubuwag yung samahan namin ng org :) Alam kong buo pa din ang D2. Lightroom (tambayan) lang ang nawala, hindi yung samahan. :)
Kung kailan na kailangan na kailangan kita, chaka ka umalis.
Isa sa mga exercise sa graphics elective sa Mapua ay yung bibigyan kayo ng random pictures at brand logo at iccombine-combine mo yun para makagawa ng ad. So eto, tinulungan ko yung friend ko dahil nag sit-in narin naman ako. :)
omg she is so perf it is not fair
hindi talaga akong nagrereblog eh, pero sh*t. Sh*t talaga.
MASH UP SUPREMACY LOGO ORIGIN
So nung una nag PM sakin si Roi (http://thediaryofayoungman.tumblr.com/) na help daw sa pag design ng logo for MAS Night..
Then nag post agad ako sa D2 (Design Deconstruct) groups na kung sino pwede tumulong sa design..
Tapos eto na nga ang nangyari..
1st Photo - Nowy’s (http://snuwix.tumblr.com/) 1st concept.. Pure retro.
2nd Photo - 1st study ko. Gusto ko kasi mangyari, retro na 3D yung effect. Para modern nadin :)
3rd Photo - Jasian’s (http://beijingbetiablog.tumblr.com/) concept.. Napa “wow” ako kasi kakaiba yung poster, parang, ngayon lang ako nakikita ng ganito. Tapos swak na swak pa symbolism ng kulay sa “transition” effect para ma showcase yung transformation ng genre.
4th Photo - Final revise ni Jasian. (Eto yung pinaka-madaming likes. Nung nakita ko to, medyo nanghina yung loob ko na iexecute yung iba kong studies)
5th Photo - My 2nd study, shet mukang tae, wag na to, try lang naman eh. hahahaha.
6th Photo - Nowy’s 2nd study.. Chaka palang nag comment si Sir Meneer.. Gusto niya daw to tapos isalpak yung typography ko na ginawa ko.
Last Photo - ten ten ten teeeen! Tinapos na ni Nowy. Tapos yung MAS Council nalang yung nag bago ng typography sa ilalim :)
Suprise Jolli Kiddie Party
October 15, 2012
Kaya pala after magsimba sumakay ako sa van ng tita ko tapos tinawag ako ni mommy na samin nalang sumakay para daw “sama-sama” tapos ayon dumerecho kami sa SM Novaliches, tinanong ko “bakit pupunta dun?” sinabi lang ni mommy na may bibilin lang daw pang dagdag sa handa ko.
Tapos ang tagal nag sungit nako kay daddy “NAGUGUTOM NAKO, GUSTO KO NA NANG CHAMPURADO NI MAMA LILY (lola ko)” tapos nagtaka nalang ako bigla silang pumasok sa Jollibee. SUPRISE. Fuck face yung muka ko. Mindfuck, ngayon lang ako na surprise sa buong buhay ko. Haha.
Great Coke Zero and James Bond marketing campaign. Worth the watch.
THIS IS AMBIENT AD! SHET!
Multimedia Highbreed Course
Eto yung mga matututunan mo sa Multimedia na course..
Madami kasing nagtatanong kung ano ba ang ginagawa ng isang Multimedia.
1 - Program
2 - Illustrate
3 - Design
4 - Animate
Quick line art. Pinagtripan lang talaga si Dordor. hahahaha.
Kiko: kamuka mo ba?
Dordor: hindi, kairita.
Kiko: HAHAHAHA!
at maclab sit in sa class ni Doris
bowringggg. gusto ko na umuwi para maglaro.
so eto. nagpractice ng pathfinder. tapos nabuo ko etong coat and tie.
Alam kong bawal ipost tong client work ko pero ang cute lang. Napahinto talaga ako nung nakita ko to.
Sabado Boys - Happy Birthday Elmo
Na excite ako inedit ko agad after uminom. hahaha. Ok pala pag lasing eh.
Bakit masarap uminom sa Bulacan?
- Kasi mas magaling tumugtog yung mga banda. (sobrang walang kwenta dito sa Manila)
- Kasi fresh air. Sa Manila sasaluhin mo lahat ng usok eh.
- FRIENDS. SABADO BOYS!
using Canon Digicam
yung feeling na kayang kaya ka niya tulungan pero puro walang kwenta naman yung pinag gagawa niya. putang ina.
D2: Dugtung-Dugtong Exhibit
May 12, 2012 at NOVA Gallery Makati
Mapua Design team D2 (Design Deconstruct) exhibit.
Ang concept neto dapat magkakadugtong yung artworks namin. So dapat colab :)